Muling nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng tapyas presyo sa kanilang mga produkto.
Epektibo alas-12:00 kaninang hatinggabi nang ilarga ng Flying V at Seaoil ang bente sentimos (P0.20) na rollback sa kada litro ng gasoline, sisenta sentimos (P0.60) sa diesel at singkwenta sentimos (P0.50) sa kerosene.
Nagpatupad din ng kahalintulad na bawas presyo epektibo alas-6:00 ng umaga ang Petron at Shell sa gasolina, diesel at kerosene maging ang PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Jetti, Eastern Petroleum at Total maliban sa kerosene.
By Drew Nacino
Oil price rollback ipinatupad ngayong araw was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882