Epektibo na ngayong araw ang oil price rollback ng mga kumpanya ng langis.
Sa magkakahiwalay na anunsiyo, sinabi ng Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, at Shell, na 20 sentimo ang kanilang bawas presyo sa kada litro ng gasolina, 85 sentimo na bawas sa kada litro ng diesel at 65 sentimo sa kada litro ng kerosene.
Ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang naturang oil price adjustment kanilang alas-6 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng pagbabago sa presyo mamayang alas-8 ng umaga.
Ang oil price rollback ay bunsod ng panibagong paggalaw sa presyo nito sa pandaigdigang merkado.