Muli na namang nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa ikalawang sunod na linggo ang mga kumpanya ng langis.
Pitumpung sentimos (P0.70) ang tapyas presyo sa kada litro ng gasolina, P0.55 sa kerosene habang P0.50 naman sa diesel.
Epektibo ala-6:00 ngayong umaga, ilalarga ng mga kumpanyang PTT at Phoenix Petroleum ang rollback sa gasolina at diesel.
Habang may rollback din sa kerosene ang mga kumpanyang Shell at Seaoil.
Alas-12:01 naman kaninang madaling araw, nauna nang nagpatupad ng tapyas presyo sa gasolina at diesel ang Eastern Petroleum habang may rollback din naman sa kerosene ang kumpanyang Petron at Flying V.
By Jaymark Dagala