Abiso sa mga motorista!
Magpapatupad ng rollback ang ilang kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes.
Sa magkakahiwalay na anunsyo, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc., na may bawas presyo na apatnapung sentimo sa kada litro ng gasolina, P3.10 sa kada litro ng diesel, at P2.10 sa bawat litro ng kerosene.
Ipatutupad rin ng Cleanfuel ang kaparehong halaga maliban sa kerosene na wala sila.
Ala sais bukas ng umaga epektibo ang nasabing price adjustment maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng bawas presyo dakong alas 8:01 ng umaga.
Sa datos ng Department of Energy, umabot sa P22 kada litro ang itinaas sa presyo ng gasolina, P34.50 sa kada litro ng diesel, at P29.75 sa kada litro ng kerosene.