Asahan ang tapyas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa ulat, inaasahang nasa P1.30 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.
Habang nasa P0.80 naman ang magiging diskwento sa kada litro ng gasolina.
Ang naturang rollback ay bunsod umano ng paggalaw ng presyo ng langis sa world market.
By Ralph Obina