Magkakaroon ng kaunting oil price rollback sa susunod na linggo simula Oktubre 22, Martes.
Maglalaro ang rollback sa:
- Gasolina- P0.30-P0.40 per litre
- Diesel- P0.00-P0.15 per litre
- Kerosene- P0.20-P0.30 per litre
Ayon sa source ng mga industriya ng langis, ang rollback ay dahil sa pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Bunsod umano ito sa paglaki ng imbentaryo ng langis ng US, at paghina naman ng overall demand partikular sa China.