Maagang nagpatupad ang mga kumpaniya ng langis ng katiting na tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito’y matapos ang siyam na magkakasunod na linggong pagpapatupad ng umento sa langis dahil sa pagtaas rin ng presyuhan nito sa world market.
Otsenta’y singko sentimos (P0.85) ang tapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.65 naman ang tapyas sa kada litro ng diesel habang P0.20 ang tapyas sa kada litro ng cooking gas o kerosene.
Unang nag-anunsyo ang kumpaniyang Phoenix Petroleum na sinundan naman ng Petro Gazz, Seaoil, Unioil, Shell, Eastern Petroleum, Petron, Caltex, Total, Flying V at PTT Philippines epektibo alas-6:00 ngayong umaga.
Kadalasang tuwing araw ng Lunes inaanunsyo ng mga oil companies ang kanilang oil price adjustments maging ito man ay price hike o rollback na epektibo naman tuwing araw ng Martes.
—-