Muli na namang magpapatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis sa linggong ito.
Ayon sa mga source sa industriya, maglalaro sa P0.90 hanggang P1.05 kada litro ang iro-rollback sa presyo ng diesel.
Apatnapu (P0.40) hanggang P0.60 kada litro naman ang posibleng i-rollback sa presyo ng gasolina habang P0.70 hanggang P0.90 naman sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang ika-pitong sunod na linggo ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo mula noong Hunyo.
Batay sa pagtaya, nasa P3.50 na ang ini-rollback sa presyo ng diesel habang P3 naman sa kada litro ng gasolina.
By Jaymark Dagala