Good News para sa mga motorista!
Matapos ang sunod-sunod na linggong oil price hike, posibleng matunghayan na ng mga motorista sa susunod na linggo ang oil price rollback.
Ayon kay Department of Energy (DOE) -Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, lahat ng produkto ng diesel, kerosene at gasolina ay mayroong nakaambang tapyas-presyo.
Para sa diesel at kerosene, ang inaasahang magiging kabawasan ay mas mataas sa 1 peso & 50 centavos kada litro, habang hindi bababa sa 50 centavos kada litro sa gasolina.
Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kumpanya ng langis tuwing lunes, na ipapatupad tuwing Martes.