Bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista sa pagpasok ng unang linggo ng buwan ng Setyembre
Ito’y matapos ang tatlong sunud-sunod na oil price hike na ipinatupad ng mga kumpaniya ng langis
Batay sa pagtaya ng department of energy, maglalaro sa 45 hanggang 55 sentimos ang tapyas presyo sa kada litro ng diesel
Habang maglalaro naman sa 30 hanggang 45 ang tapyas presyo sa kada litro ng kerosene
Wala namang magiging paggalaw sa presyo ng kada litro ng gasolina ang mga oil companies
By: Jaymark Dagala