Magandang balita ang bubungad sa mga motorista sa pagpasok ng linggong ito.
Ito’y dahil sa magpapatupad ng tapyas presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya, papalo sa P0.90 hanggang P1.00 ang rollback sa kada litro ng diesel.
Pitumpu (P0.70) hanggang P0.80 naman ang inaasahang tapyas presyo sa kada litro ng gasoline.
Habang mula P1.00 hanggang P1.20 ang magiging rollback sa presyo ng kada litro ng kerosene.
By Jaymark Dagala