Asahan na ang magandang pagpasok ng bagong taon para sa mga motorista.
Ito’y dahil sa naka-umang na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bisperas ng bagong taon.
Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, .30 hanggang .65 sentimos ang posibleng tapyas presyo sa kada litro ng gasolina;
.30 hanggang .55 sentimos sa diesel habang otsenta hanggang nobenta sentimos sa kerosene o gaas.
Itinurong dahilan ng DOE ang oversupply ng langis ng mga oil producing countries.