Tuluyan nang isinara ang oil refinery ng kumpanyang Shell sa Batangas dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa Pilipinas Shell bumababa ang presyo ng oil products at hindi na kayang makaagapay sa mga gastusin sa pag refine ng crude oil.
Sa halip ipinabatid ni Pilipinas Shell Prresident at CEO Cesar Romero na gagamitin na lamang ang refinery bilang terminal.
Nabatid na halos P7-B ang nawala sa kita ng Shell sa unang anim na buwan ng taong ito dahil sa pandemya.