Idineklara bilang ‘World Heritage’ ng UNESCO o United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization ang Okinoshima Island sa Japan.
Ang Oki Island ay isang sagradong isla kung saan bawal pumunta ang mga babae.
Ito matatagpuan ang Okitsu Shrine na gawa pa noong 17th century na layong ipagdasal ang seguridad ng mga mandaragat.
Sinasabing bago tumungo sa isla ay kinakailangang maghubad muna ang mga lalaki upang sumailalim sa isang cleansing ritual.
Tuwing Mayo 27 lamang maaaring bisitahin ang naturang isla ng hindi lalagpas sa dalawandaang (200) mga lalaki.
Samantala, hindi naman nila maaaring idetalye ang mga sa kung ano ang kanilang mga naging karanasan sa naturang isla.
By Ralph Obina