Inilampaso ng Oklahoma City Thunder ang kalabang Washington Wizards sa iskor na 125-101.
Ito ay sa kabila ng maagang pagkawala sa laro ni Kevin Durant dahil sa nai-strain nitong left hamstring.
Gayunman, pumalit sa puwesto ni Durant para pangunahan ang Thunder ay si Russell Brook na kumana ng 22 puntos, 11 assists at 11 rebounds.
Samantala, di naman sumapat ang tig-15 puntos nina Marcin Gortat at Ramon Sessions para maibaba ang kalamangan ng Thunder.
By Ralph Obina