Tinapos ng Detroit Pistons ang 8-game winning streak ng Oklahoma City Thunder.
Ito ay makaraang payukuin ng Pistons ang Thunder sa iskor na 88-82 sa kanilang pagtutuos ngayong araw.
Malaking kawalan para sa Thunder sina all star small forward Kevin Durant at power forward Serge Ibaka na pinagpahinga matapos nilang talunin noong Linggo ang Toronto Raptors.
Nanguna sa tagumpay ng Pistons si Marcus Morris na nakasikwat ng 24 na puntos na sinegundahan naman ni Tobias Harris na may 17 puntos.
By Ralph Obina