Tuluyan nang nag-withdraw si Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook para maging bahagi ng US team sa RIO olympics.
Ayon kay Westbrook, nagpasya siya na huwag nang sumali sa olympics ngayong taon matapos niyang konsultahin ang kanyang pamilya.
Si Westbrook ay naging bahagi ng London 2012 gold medal winning team.
Una rito, nag-withdraw na rin sa olympic team si NBA MVP Stephen Curry upang bigyang daan ang paghilom ng tinamo niyang injury sa tuhod.
By: Meann Tanbio