Nakamit ng Oklahoma City Thunders ang kanilang unang panalo matapos talunin ang Golden State Warrior sa laban na bahagi ng NBA 2019-2020 season.
Nakapagtala ng score na 120 points ang Thunders samantalang 92 points naman ang nakuha ng Warriors.
Pinangunahan ni Dennis Schroder ang pagkapanalo ng Thunders na nakapagtala ng 22 puntos.
Ito na ang ikalawang talo ng Warriors mula nang magbukas ang season.
Susunod na makakalaban ng warriors ang New Orleans samantalang Houston Rockets naman ang makakalaban ng Thunders.