Mabisa nga ba ang pagkain ng okra pa-ngontra diabetes?
Ayon sa eksperto, may sangkap ang okra na kung tawagin ay “alpha-glucosidase inhibitor” na siyang nagpapabagal sa konsumo ng ating katawan sa carbohydrates.
Kung kaya’t aniya hindi masyadong tataas ang blood sugar ng isang tao, pagkatapos nito kumain.
Gayunpaman, nilinaw ng mga eskperto na bagama’t maganda ang pagkain ng okra, hindi pa rin maaaring balewalain ang mga niresetang gamot. Kung kaya’t mainam pa rin na sumangguni sa inyong mga doktor.
Sa panulat ni Ace Cruz