Nasa 30% pa rin ang okupadong COVID-19 beds kahit pa bumababa na ang kaso sa buong bansa.
Batay sa inilabas na report ng Department of Health (DOH) nasa kabuuang 38,256 na COVID beds, 11,417 rito ang okupado na rin.
Sa tala ng DOH, nanatiling okupado ang 43% ng 4,019 Intensive Care Units (ICU beds), 24% ng 13,966 ward beds at 31% naman ng 20,271 sa isolation beds sa bansa.
Nasa low-risk status ng COVID-19 pa rin ang Pilipinas kaya’t patuloy ang panawagan ng kagawaran sa publiko na sundin ang mga ipinapatupad na protocol.—sa panulat ni Joana Luna