Iniluklok ni PNP Chief Gen. Debold Sinas si Brig. Gen. Ronaldo Olay bilang bagong tagapagsalita ng police force at head ng Public Information Office (PIO).
Si Olay ng Philippine Military Academy Class of 1990 ang papalit kay Brig. Gen. Ildebrandi Usana na magreretiro na sa Abril 20.
Bago naitalaga sa kanyang posisyon, si Olay ay naging PNP deputy director for operations at National Capital Region Police Office deputy director for administration.
Naging direktor din si Olay ng Cagayan Police Provincial Office mula 2014 hanggang 2016.