Nagbitiw sa puwesto si Oliver Almadro bilang head coach ng Choco Mucho sa gitna ng kampanya ng koponan sa 2022 Premier Volleyball League (PVL) reinforced conference.
Ito ang inanunsyo ng koponan matapos hilingin ni Almadro na umalis sa puwesto upang mag-pokus sa Ateneo De Manila University Women’S Volleyball program.
Nagpapasalamat naman ang Choco Mucho Flying Titans Organization sa kontribusyong ibinigay ng dating head coach mula 2019.
Samantala, si assistant coach Edjet Mabbayad ang papalit sa puwesto ni Almadro.