Ang Filipino-American singing sensation na si Olivia Rodrigo, ang kinuhang kauna-unahang celebrity endorser ng us-based cult-favorite beauty brand na Glossier.
Inanunsyo ng singer sa kanyang Instagram account na excited na siya sa kanyang partnership sa naturang beauty brand.
Tampok sa campaign ni Olivia para sa Glossier ang “you look good” motto kung saan, ibinahagi niya ang kanyang beauty must-haves tulad ng eyeliner.
Si Olivia rin ang pinangalanang best new artist sa katatapos lamang na 64th Grammy Awards kung saan, ginamit niya ang Glossier para sa kanyang full-face look.