Nagpaabot ng inspiring message tungkol sa songwriting ang Filipino-American pop star na si Olivia Rodrigo, matapos masungkit ang Woman of the Year Award ng Billboard.
Itinuturing ni Olivia na isang ”Lucky Job” ang pagiging artist, at ibinahagi nito na sa murang edad ay nagsusulat na siya ng kanta, na paborito niyang gawin.
Pinapurihan ng singer ang mga kapwa female artist na kanyang inspirasyon sa paggawa ng musika.
Hinikayat din ni Olivia ang mga batang babae na patuloy na gumawa ng musika at tiniyak nito na isang ”Safe Space” ang music industry.
Ikinatuwa ng pop star na maraming nakaka-relate sa kanyang mga karanasan na inilalahad niya sa pamamagitan ng kanyang mga kanta.
Nakilala si Olivia dahil sa kanyang top-charting single na “Driver’s License”, ”Deja Vu” at ‘’Good 4 U’’.