Isinailalim na sa state of calamity ang Olongapo City dahil sa naranasang patuloy na pag-ulan doon noong weekend.
Ayon kay Olongapo City Mayor Rolen Paulino, nasa animnapung (60) porsyento ng populasyon ng lungsod ang apektado ng pagbaha.
Ito’y kung saan nananatiling lubog sa baha ang may labing anim (16) na barangay.
Pinakamatindi aniyang naapektuhan ang barangay Sta. Rota kung saan umabot sa ikalawang palapag ng mga gusali ang baha.
Sinabi ni Paulino na kasalakuyang nasa evacuation center ngayon ang nasa isandaan at walumpu’t tatlong (183) pamilya o katumbas ng halos animnaraang (600) indibiduwal.
—-