Naibalik na sa official roster ng national team ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) si olympian pole vaulter Ernest John Obiena.
Kasunod ito ng botohan ng PATAFA board sa naganap na special meeting noong Sabado, Agosto a-13.
Ayon kay PATAFA Executive Vice President Willie Torres, ito ay batay narin sa naging direktiba ni Association President Teddy Capistrano kung saan, ang naturang desisyon ay magsisimula ngayong buwan habang ibabase naman ang mga pagbabago sa umiiral na quota ng PATAFA.
Si Obiena kasama ng 5 pang atleta ay iniendorso ng PATAFA bilang mga official national team member sa Philippine Sports Commission (PSC).