Nagpahiwatig ang Olympic Champion na si Hidilyn Diaz-Naranjo kaugnay sa posibleng pagreretiro niya pagkatapos ng 2024 Paris Olympics.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ng atleta ang larawan ng kanyang mga kamay at isang liham patungkol sa weightlifting.
Sinariwa ni Hidilyn ang 2016 Rio Olympics kung saan nakamit niya ang silver medal, na isa aniya sa proudest moments ng kanyang buhay.
Determinado ang Pinay weightlifting star na gawin ang lahat para sa 2024 Paris Olympics gayunman, tila desido na rin ito na magretiro at bumuo ng pamilya kasunod nang ipinahiwatig nitong #lastlift.
Nito lamang July 26 nang ikasal si Hidilyn kay Julius Naranjo, kung saan ipinagpaliban muna nila ang kanilang honeymoon bilang paghahanda sa olympics.