Muling magsasanay si Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz sa Malacca, Malaysia.
Ito’y bilang preparasyon para sa 2021 World Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan sa Disyembre 7 hanggang 17.
Bukod sa World championships ay sasalang din ang Zamboangeña sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo at sa Asian games sa Hangzhou, China sa Setyembre.
Kasama ng 30 anyos na Olympic Weightlifter sa Malaysia ang kanyang fiance na si strength and conditioning Coach Julius Naranjo.
Matapos ang mga nasabing torneyo ay pag-iisipan ni Diaz kung muling lalahok sa 2024 Paris Olympics sa France.—sa panulat ni Drew Nacino