Pangungunahan ni Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz ang kampaniya ng Pilipinas sa International Weightlifting Federation World Championship na nakatakdang ganapin sa December 5 hanggang 16 sa Bogota, Colombia.
Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) President Monico Puentevella, ito ang magiging unang kompetisyon ni Diaz, matapos ikasal sa kaniyang conditioning coach na si Julius Naranjo.
Sinabi ni Puentevella na dalawa pang kinatawan ang kanilang ipinadala kabilang na sina Rose Jean Ramos at Fernando Agad para sa nagpapatuloy na Asian championships sa Manama, Bahrain.
Iginiit ni Puentevella na nag-skip sila sa Asian competition para makasali ang mga atleta sa world competition.