Naghahanda na si Pinoy boxer-olympic medalist Eumir Marcial para sa kanilang laban ni American boxer Steven Pichardo.
Nabatid na sinimulan na ni Marcial ang kaniyang training noon pang nakaraang buwan kung saan, ilan sa kaniyang mga naging sparring partner, ang kapwa Pinoy boxer na si Jerwin Ancajas.
Target ni Marcial na maiuwi ang titulo ng Pilipinas matapos ang huling naging laban nito sa Tokyo Olympics sa Las Vegas.
Gaganapin ang kanilang laban sa October 9, 2022, sa Carson, California para kanilang six-round middleweight fight.