Nagpositibo sa COVID-19 ang Operations Manager (OM) ng One Hospital Command Center (OHCC) —ang Centralized COVID Referral System ng bansa.
Mismong si Dr. Benadett Velasco, OHCC Operations Manager ang naghayag na siya ay positibo sa COVID-19.
Sa ngayon aniya ay nananatili siya sa isolation facility kung saan naroroon ang mga asymptomatic na pasyente.
Ganunpaman, tuloy pa rin umano ang trabaho para na rin siya ay maging abala habang naka isolate.
Una rito, sinabi ng DOH na tumataas na naman ang tawag kada araw na natatanggap ng OHCC.