Kumbinsido ang AFP o Armed Forces of the Philippines na tanging si Omar Maute na lamang ang natitira sa mga Maute brothers na tumatayong lider ng grupong Maute.
Gayunman, sinabi ni Brigadier General Restituto Padilla, spokesman ng AFP, na patuloy silang nagsisikap na mahanap ang labi ng mga lider ng Maute.
Ayon kay Padilla, tuloy-tuloy ang kanilang opensiba laban sa mga natitira pang terorista na aniya, ay limitado na lamang ang pagkilos sa dalawampung (20) ektaryang lugar.
So, 20 hectares of the area is where the enemy has been circulating around and still continuing their fight.
Fighting has been very fierce, it has been at closed quarter battle in the area but our forces are determined and our focus to seek to end this rebellion as soon as possible.
MSU muling isinara
Muling isinara ang MSU o Mindanao State University at sinuspindi ang pasok sa mga pribadong paaralang palapit sa unibersidad.
Kasunod ito ng insidente kung saan may mga tinamaan ng ligaw na bala sa lugar.
Ayon kay Brigadier General Restituto Padilla, spokesman ng Armed Forces of the Philippines, pinalakas pa nila ang pagbabantay ng Task Group Lanao sa mga kalsada sa lugar ng MSU upang matiyak na ligtas ang lahat.
Bagamat sarado aniya ang MSU, tuloy naman ang aktibidad sa loob ng unibersidad.
However, there have been a lot of cases of stray bullets getting in that direction even it is a number of kilometers away, I think it’s about two, if I’m not mistaken or more.
So, the different calibers of firearms in the area may have been the cause or sources of the stray bullets.
Aminado si Padilla na bagamat nalimitahan na nila ang kilos ng mga terorista sa dalawampung ektaryang lugar, nananatili mamapanganib ang ilang lugar sa Marawi.
Dahil na rin aniya ito sa mangilan ngilang snipers at mga nagkalat na booby traps.
Sa mahigit isandaang araw ng labanan sa Marawi City, pumalo na sa 653 ang napatay na terorista at 145 sundalo.
Tinataya aniyang mayroon pang 40 hanggang 50 terorista na may hawak na 20 hanggang 30 hostages.
Fighting has been very fierce it has been at closed quarter battle in the area but our forces are determined and our focus to seek to end this rebellion as soon as possible.
But the challenges still do remain with the following: the preferations of IED’s [improvised explosive devices] in the area; other booby traps that have been made along the way of the troops; the existence of a few snippers; and the existence of a few armed elements in specific areas that are in the vicinity or the preferal areas of these areas that they hold.