Pinagbibitiw ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption si Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, mas makakabuti para kay Morales ang magbitiw kaysa impeachment.
Hindi anya kayang ilarawan ng mga salita lamang ang galit na kanilang nararamdaman matapos ipag-utos ni Morales ang pagsasampa ng malabnaw na kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa naging papel nito sa operasyon ng SAF na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao.
“Tapos kakasuhan mo lang ng graft, ang purpose talaga ni Morales, lusot, sino bang hindi susunod, siya ang commander in Chief at siya ang Presidente?” Pahayag ni Jimenez