Nakahanda si Ombudsman Conchita Carpio Morales na harapin at sagutin, sakaling sampahan siya ng impeachment complaint.
Subalit binigyang diin ni Morales na wala syang planong abandonahin ang tungkuling iniatang sa kanya ng konstitusyon bilang tanodbayan.
Sasagutin aniya niya ang lahat ng alegasyon laban sa kanya nang naaayon sa mga umiiral na batas kaya’t dapat ring sagutin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng akusasyon laban sa kanya nang naaayon sa batas.
Tugon ito ni Morales sa banta ng Pangulong Duterte na bubuo ng komisyon para imbestigahan ang Ombudsman at sa panawagan ng Pangulo na sabay-sabay silang magbitiw sa puwesto.
Matatandaan na nagalit ang Pangulo makaraang mapag-alamang iniimbestigahan ng tanggapan ni Morales ang di umano’y tagong yaman ng Pangulo gamit ang mga bank records na di umano’y nakuha nila sa AMLC o Anti-Money Laundering Council.
—-