Hiniling na ipa – subpoena ang Office of the Ombudsman at si dating UP – Human Resource Development Office Director Dakila Fernando upang pagpaliwanagin kung saan napunta ang SALN ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Kaugnay na rin ito sa reklamo kay Sereno sa hindi tamang pagdedeklara ng SALN partikular na ang kinita nito sa Piatco case na aabot sa 30 milyong piso.
Ayon kay UP – Human Resource Development Office Chairman, Dean Angela Escoto, bukod tanging SALN noong 2002 lamang ni Sereno ang kanilang nakuhang kopya.
Wala aniya ang mga SALN mula 2001 – 2009, kung saan pasok dito ang kinita sa Piatco case noong 2003.
Nakiusap naman ang mga taga – UP – Human Resource Development Office na bigyan sila ng sampung (10) araw para isumite ang SALN ni Sereno ngunit hindi pumayag ang komite at humirit na bigyan sila ng hanggang Disyembre 4 para sa presentasyon ng SALN ng Punong Mahistrado.