Nanindigan ang Ombudsman na walang hurisdiksyon ang Court of Appeals (CA) sa kanilang desisyon na suspendihin si Makati City Mayor Junjun Binay.
Kasunod na rin ito nang isinumiteng bagong argumento ng Ombudsman sa Korte Suprema kaugnay sa pagpigil ng CA sa preventive suspension ng alkalde.
Nakasaad sa bagong argumento ng Ombudsman na bagamat may hurisdiksyon ang Appellate Court sa petisyon ni Binay, wala naman itong kapangyarihang pigilan ang suspension order batay na rin sa section 14 ng Republic Act 6770 o Ombudsman Act.
Iginiit ng Ombudsman na malinaw sa ilalim ng probisyon ng Ombudsman Act na walang hurisdiksyon sa petisyon ni Binay ang CA.
Dahil dito, binigyan ng 10 araw ng high tribunal ang kampo ni Binay, Ombudsman at Solicitor General para magsumite ng kani-kanilang komento.
By Judith Larino