Napag-alamang mula sa kampo ni Vice President Jejomar Binay ang banta kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Ayon kay Morales, tinimbrehan siya ng isang kakampi nitong taga-Binay camp hinggil sa bantang kapag nanalong Pangulo ng bansa si Binay, babalikan daw nito si Morales.
Ngunit hindi naman tinukoy ni Morales kung anong uri ng balik ang gagawin ng kampo ni Binay.
Nagpasalamat si Morales sa kanyang kaalyado sa kampo ni Binay dahil sa pagboboluntaryo nito ng nasabing impormasyon.
Samantala, handa umanong harapin ni Morales ang anumang balak ng Bise Presidente laban sa kanya kapag palarin nga itong manalo sa pagka-pangulo sa May 9 elections.
Hinamon pa ni Ombudsman si Binay na gawin ang nais nitong gawin habang siya naman ay magpapatuloy na magsampa ng kaso laban sa sinumang nasa mataas na posisyon dahil ebidensya ang batayan niya at hindi pulitika.
By Avee Devierte | Jill Resontoc (Patrol 7)