Bubuhayin ng tanggapan ng Ombudsman ang imbestigasyon nito kaugnay sa mga kaso ng pagpatay sa Davao City na itinuturo sa kontrobersyal na Davao Death Squad (DDS).
Ayon kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang, ito’y kung mayroong bagong mga impormasyon at ebidensyang lulutang hinggil sa nasabing usapin.
Magugunitang isinara na mismo ni Carandang ang imbestigasyon hinggil sa DDS may isang taon na ang nakalilipas.
Paliwanag pa ni Carandang, tanging ang ulat lamang mula sa Commission on Human Rights (CHR) ang hawak nilang impormasyon ngunit walang nais tumayong testigo para patunayan ang mga alegasyon.
By Jaymark Dagala