Hindi pa tapos ang laban para sa Office of the Ombudsman sa kaso ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales marami pa silang legal options para habulin ang pagbasura ng Supreme Court sa plunder case laban kay Ginang Arroyo.
Inamin ni Morales na nanlumo ang mga prosucutors ng Ombudsman na may hawak sa kaso ni Arroyo subalit hindi ito dahilan para panghinaan sila ng loob.
Iginiit ni Morales na sapat at matitibay ang naihain nilang ebidensya upang madedklarang guilty ng walang bahid ng pagdududa sa kasong plunder si Ginang Arroyo.
Kaugnay nito, malaki ang posibilidad na magbalik-kulungan pa rin si dating Pangulong Gloria Arroyo.
Ito ay sa sandaling may makitang sapat na basehan upang sampahan ito ng panibagong kaso ng plunder.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales malalaman nila pagkatapos ng preliminary investigation kung makaka-akyat ang kaso sa Sandiganbayan.
Ipinaliwanag ni Morales na hindi ito sakop ng double jeopardy dahil nangyari ang di umano’y krimen sa magkaibang panahon.
Kasabay nito, kinontra ni Morales ang interpretasyon ng mga abogado ni Ginang Arroyo sa kasong plunder.
By Len Aguirre