Humiling ang Ombudsman sa Korte Suprema na baligtarin nito ang desisyong nagpawalang sala kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kasong pandarambong.
Sa kanyang Motion for Reconsideration, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na may matibay na basehan ng plunder charges laban kay Ginang Arroyo.
Napatunayan, aniya, ng prosekusyon na kinulimbat ni Ginang Arroyo ang mahigit 300 Milyong Piso mula sa confidential and intelligence funds ng PCSO mula 2008 hanggang 2010.
Ayon kay Morales, nabigo ang Korte Suprema na busisiin ang mga iregularidad sa mga proseso ng disbursement at liquidation sa PCSO.
By: Avee Devierte