Kung talagang hindi maiwasan na may Confidential Fund ang ilang ahensya ng gobyerno, sana ay maging ehemplo ang Ombudsman sa pagrerereport at pag-liquidate bilang tumatanggap ng ganitong pondo simula noong 2018.
Ito ang panawagan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa pagtalakay sa panukalang pondo ng Office of the Ombudsman para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P4.7B, kabilang ang P51.4M Confidential Fund.
Sa ganitong paraan inihayag ni Pimentel na maituturo ng Commission on Audit na tularan ang Tanodbayan ng ibang ahensya na may Confidential Fund.
Inihirit din ng Senador sa Ombudsman na mag-publish ng mga impormasyon ukol sa paglaban sa katiwalian para malaman ng taumbayan kung paano ito ginagawa.
Samantala, nagtataka ang mambabatas kung bakit gustong ipa-repeal ni Ombudsman Samuel Martirez ang Anti-Red Tape Act dahil sa tingin nila ay Constitutional naman ito. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)