Nahaharap sa patong-patong na kaso si dating Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn dahil sa misdeclaration ng kanyang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Networth mula taong 2004 hanggang 2012.
Kinasuhan ng Ombudsman sa Sandiganbayan si Hagedorn ng graft, perfury at paglabag sa code of conduct and ethical standards.
Ayon sa Ombudsman, nabigo si Hagedorn na ideklara sa kanyang SALN ang 60 ari-arian na kinabibilangan ng residential buildings, agricultural land, vehicles and business ventures, kabilang na ang Puerto Princesa Broadcasting Corp. kung saan siya ang tumayong board member, stock holder at chairman of the executive committee.
By: Meann Tanbio