Kinumpirma ng Office of the Ombudsman na iniimbestigahan nito ang alegasyong korupsiyon laban kina Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta at Forensic Chief Erwin Erfe.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, kasalukuyang sinusuri ng kanyang tanggapan ang umanoy iregular na transaksiyon ni Acosta na may kaugnayan sa Dengvaxia Vaccine.
Ito aniya ay bilang pagtugon sa naging reklamo ng mga PAO Lawyers na humirit na suspendihin si Acosta at Erfe dahil sa pag Divert ng mga pondo para magamit sa kampanya nito sa dengvaxia.
Una nang pumalag si Acosta sa akusasyon kung saan sinabi niyang bahagi lamang ito ng Demolition Job laban sa kanya.