Dapat magbitiw sa puwesto si Ombudsman Conchita Carpio Morales at mga mahistrado ng Sandiganbayan na humawak sa kaso ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Hamon ito ni Atty. Romulo Macalintal kay Morales at Sandiganbayan justices makaraang ibasura ng Supreme Court ang kasong plunder laban kay Ginang Arroyo.
Ayon kay Macalintal, napakalaking isyu ng nangyari dahil ipinaggiitan ng Ombudsman na sapat ang kanilang ebidensya laban kay Arroyo.
Samantala, dapat anya ay nakita na ng Sandiganbayan sa simula pa lamang na mahina ang mga ebidensya subalit sa halip ay nilitis nila ang dating Pangulo na naging dahilan para ma-hospital arrest ito.
Sinabi ni Macalintal na sa simula pa lamang ay nakapagtataka na ang kaso dahil tanging si Ginang Arroyo ang nakulong samantalang pinayagang magpiyansa ang lahat ng kanyang kapwa akusado.
By Len Aguirre