“BRING IT ON”
Ito ang binitiwang pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales matapos siyang bantaan ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption na sasampahan siya ng impeachment complaint.
Iginiit ni morales na hindi siya nababahala sa naturang banta ni VACC Chairman Dante Jimenez.
Sinabi pa ni Morales na sakaling ituloy ng grupo ni Jimenez ang paghahain ng impeachment complaint sa kongreso, handa niya itong sagutin punto por punto
By: Meann Tanbio / Jill Resontoc