Hindi dapat sumuko si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa pakikipaglaban at pagtatanggol sa pagiging independent ng kanilang tanggapan at kanilang constitutional mandate.
Apela ito ni Senador Leila de Lima matapos suportahan ang pagmamatigas ni Morales na huwag ipatupad ang pag suspindi ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Sinabi ni De Lima na nasa likod ng Ombudsman ang mga law abiding citizens sa aniya’y panibagong pagtatangka ng Pangulong Duterte na umabuso sa kapangyarihan.
Walang makitang rason si De Lima para hindi i respeto ng Malakaniyang ang pagiging independent ng Ombudsman at deputies nito gayung kinatigan na mismo ng Korte Suprema ang independence ng Office of the Ombudsman.