Nangangamba ang isang mambabatas na masayang ng tuluyan ang mga pinaghirapan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Ito’y ayon kay Akbayan Party-list Representative Tom Villarin ay dahil sa tila nais ng administrasyon na patayin na ng tuluyan ang mga kasong una nang naisampa ni Morales sa Ombudsman laban sa mga sangkot sa kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund o PDAF scam.
Kaya naman, hinimok ng mambabatas si Morales na tumakbo sa pagka-senador sa 2019 upang patuloy nitong mabantayan ang kaniyang mga naiwang legacy na hindi masayang at mauwi lamang sa wala.
Lubhang kinakailangan aniya ngayon sa Senado si Morales na isang taong may matibay na prinsipyo at paninindigan para labanan ang katiwalian sa bansa nang walang kinikilingan o pinoprotektahan.
—-