Opisyal nang magreretiro ngayong araw si Ombudsman Conchita Carpio-Morales matapos ang pitong taong termino.
Isang final lunch ang inihandog ng Office of the Ombudsman para kay Morales at kanyang mga empleyado kahapon at nagsagawa rin ng retirement party kinagabihan sa isang hotel sa Quezon City.
Sa kanyang huling press conference kahapon, nagpasalamat ang tanodbayan sa lahat ng opisyal at empleyadong nakasama niya sa loob ng pitong taon.
Kabilang sa mga iiwang kaso ni Morales ang iregularidad sa PCSO intelligence funds na kinasasangkutan umano ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Arroyo at Dengvaxia controversy na kinakaharap ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Hinamon naman ni Morales na panindigan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabi nitong giyera laban sa korupsyon.
Ayon kay Morales, hindi pa napapatunayan ng Pangulo ang kayang madalas na ipinapahayag dahil na rin sa ginagawa nitong pagre-recycle sa ilang opisyal na inakusahang nasasangkot sa anomalysa gobyerno.
Kaugnay nito, nanawagan si Morales sa taongbayan na maging bigilante at manindigan laban sa korupsyon.
—-