Pinasuspindi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales si Bacolod City Mayor Monico Fuentebella dahil sa pag-delay nito ng pagpapatupad sa isang administrative decision.
Ayon sa Ombudsman, guilty si Fuentebella sa kasong simple misconduct at pinasususpindi ng isang buwan at isang araw.
Batay sa imbestigasyon, naglabas ng kautusan ang Ombudsman noong July 2014 na suspindihin si building official Isidro Sun Jr. at building inspector Jose Maria Makilang dahil sa pagiging Guilty sa conduct prejudicial to the best interest of the service.
Noong December 2015, natanggap ni Fuentebella ang naturang suspension order para sa dalawang opisyal subalit hindi nito pinatupad agad dahil nalalapit na, aniya, noon ang pasko.
By: Avee Devierte