Pinatatanggalan ng lisensya bilang abogado si Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Ang disbarment case laban kay Morales ay isinampa sa Korte Suprema ni dating Manila Councilor Greco Belgica.
Ayon kay Belgica, nilabag ni Morales ang pinanumpaan nito bilang isang abogado at ang Canon of Professional Responsibility nang aprubahan nito ang pagbasura sa kasong katiwalian laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Pinuna ni Belgica na ang resolusyong pinagbatayan ng pagsasampa ng kaso laban kay dating Budget Secretary Florencio Abad ang sya ring resolusyong pinagbatayan ng pagpapawalang sala kay Aquino sa isyu ng DAP o Disbursement Acceleration Program.
By Len Aguirre